Kung ano man ang mangyari sa future, resulta din ‘yun ng kung anong gagawin mo sa present.
10 plays ♫
Alay - Kamikazee
Ito ay alay ko sa'yo
Panalangin ng isang hamak na katulad ko
Ito ay alay ko sa'yo
Awiting kinakanta ng puso ko
2nd
- Boy: Just so you know, spending today with you was the second happiest moment of my life.
- Girl: Only second? :(
- Boy: The happiest being… the first time I met you.
Mamaya. Ngayon. Bukas. Hindi mo alam. Hindi mo sigurado. Pagbabago? Makikita kahit saan. Kahit kanino. “Maghanda” ka man, wala rin ‘yun.
‘cause you are everything I’m not~
Parang ang interesting minsan kapag inisip mo kung ano ka sa point of view ng ibang tao. Sa libro nga kapag point of view lang ng isang character yung nababasa mo, gusto mo rin minsan malaman yung kung anong naiisip nung isa pang character para mas maganda ang storya.
Siguro yung taong may galit sa’yo eh ilang beses ka nang sinabunutan at binunot isa-isa yung mga pilikmata mo sa isip niya. Ikaw siguro yung may potensyal maging presidente ng Pilipinas, sa isip ng teacher mo. Ang tingin sa’yo nung taong gusto ka pero hindi mo gusto eh isang pangarap na mahirap abutin. Yung taong gusto mo naman pero walang pakialam sa’yo, ang tingin eh para kang alarm clock sa umaga, istorbo. Pwede kayang tumugma sa iniisip mo, o kabaligtaran?
achuchu
no longer the lost~
Sabi nga nila, kapag nasanay ka na nandiyan lagi ang isang bagay/tao, masasanay ka rin kapag nawala ito. Siguro, hindi na rin pareho katulad noong hindi pa dumarating yung bagay/tao na ‘yun, syempre kahit papaano nagkaroon ‘yun ng impact sa buhay mo at maaaring nabago ka nun.
Ang galing nga naman. Ngayon ko lang napagtanto na hindi na kita naike-kwento madalas sa mga kaibigan ko. Hindi NA kita nake-kwento, period. Samantalang dati, wagas ako kung makabanggit ng pangalan mo at ng mga pinag-usapan natin na para bang daig ko pa nanalo sa lotto (okay, OA na). Ngayon.. parang wala lang. Kahit magkausap tayo, parang hindi na siya big deal. ^_^
Napagod? Nagsawa? Nagpapahinga lang? O baka natanggap na talaga? Ewan. :)
It’s not the way you plan it, it’s how you make it happen..
So, nagta-type ako ng ganito habambuhay sa office. Meron siyang 600+ pages bawat isang roll at nasa pangalawang roll pa lang ako. 235/600 at next week na ang deadline. Inuuwi ko na siya matapos ko lang. Kapag hindi natapos, mawawalan ako ng pasok.
Nakaka-stress. Kung kani-kanino na ako nagpapa-cheer. :D Nurse na nurse kasi.
0 plays ♫
Masaya - Bamboo
Ganyan talaga
'Pag bago pa ang pag-ibig
Ganyan talaga
Masaya
It’s time that you let go of the one you keep in your heart. Empty a place in your heart for someone new. Don’t struggle to cover the truth with laughter anymore. Isn’t it too painful a thing to live your life in disguise while lying to your heart?
Sometimes, the people who are thousands of miles away from you, can make you feel better than people right beside you.
Yung mga virtual hugs, kisses, smileys at kung anu-ano pang emoticons na kapag nakita mo lang sa screen ng pc mo eh mapapangiti ka na at alam mo talagang gumaan na ang pakiramdam mo. Katulad na lang sa sitwasyon na nasa ibang bansa ka at malayo sa’yo yung mga matatagal mo nang kaibigan o yung pamilya, syempre ‘yun na lang ang magagawa nila. Iba kasi talaga kapag sila. Mas magiging maganda pa sa pakiramdam kapag naisip mo na nandiyan pa rin sila para sa’yo. ‘Yun pa lang ang laki na ng impact.
Minsan nga mas masarap pa magkwento sa taong hindi mo kilala at hindi mo pa nakikita kaysa sa mga matagal mo nang kakilala pero parang pangalan lang ang alam tungkol sa’yo.
Kung pwede lang mag-teleport.
Naisip ko lang ngayon na minsan gusto ko malaman kung ano yung nasa isip ng mga gumagawa ng mga bagay na labag sa batas. I mean, yung mababasa ko yung kung ano nasa isip nila, o kaya yung makakapasok ako sa loob ng isip nila or something. Hahaha. Enjoy na enjoy ba silang gumawa ng krimen o may panahon din na nagdadalawang-isip at ayaw nila yung ganun. Minsan gusto mo na lang hugutin sa kanila yung katotohanan talaga kapag tinatanong na sa presinto. Oo, masama sila kapag gumawa ng kahindik-hindik (wow) na bagay pero kapag hindi na, ano nang meron?
EWAN
bro
- The Mother: Why are you crying so hard? Stop already!
- Boy: 'Cause I only have one brother and it's the first time he's gonna travel without me. T__T
- awww..
- The Mother: Why, look at me, I'm not crying and he's my son!
- Boy: Well, at least you have two sons! T__T
sail into my wildest dream~
Ano nga kayang mangyayari kapag natupad na natin ang mga pangarap natin? Meron ka na sigurong malaking bahay, maraming mamahaling kotse, baka mayroon pang sariling kumpanya? Lahat ng latest na gadgets meron ka? Yung sa tuwing mababanggit yung kung ano mang field ang pinasok mo eh, kilala ka ng buong mundo? Maganda siguro sa pakiramdam.
Mas masarap yata yung masasabihan mo yung mga magulang mo na “Pahinga na lang kayo, ako na po ang magtatrabaho para sa atin.”
